Pagmamahal sa Kapwa(tula)

 Munti mong daigdig sikaping palawakin

May ibang may tahanan ngang naturingan

Ngunit tinig ay bahaw na labis na kagutuman

Puso'y nawawasak tuwing bunso'y pinagmamasdan


Minsan nakaranas ng pagkabasa

Malamig, namamaluktot sa maliit na dampa

O kaya'y maanod ng baha habang himbing sa pagtulog

At biglang magising sa labis na panginginig


Sa dugo may walang relasyon 

Sa puso namay naka diin 

Huwag sanang madamot, mata ay ituon

Maging bukas palad o matulungin sa pagkakataon


Isa kang bayani na matulungin 

Mabuting pagpapala ang iyong tanggapin 

Kusang babalik sa iyo ang naitulong mo dahil isa kang matulungin

Diyos ay pagpapalain ka sa lahat ng pagkakataon


Ang pagmamahal sa kapwa

ni Althea Saludes

10- Silver

Comments